DAPAT nang baguhin ang nuclear provision sa Saligang Batas ng bansa.
Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News.
Binigyang-diin ni Enrile na nasa nuclear age na ang mundo pero hindi makagawa ng hakbang ang bansa dahil nakatali aniya tayo sa Saligang Batas na nagbabawal ng nuclear power sa Pilipinas.
Binanggit din ni Enrile ang ilang bansa na gumagamit na o nagkakaroon na ng nuclear power at iginiit na panahon na para maghanda ang Pilipinas habang wala pang nangyayari sa mundo.
Matatandaan na itinuring nang patay ni Senator Robin Padilla ang panukalang economic provision ng Saligang Batas sa Senado dahil apat lang mula sa 24 na senador ang sumuporta rito.