SUSPENDIDO ngayong Martes at Miyerkules, Abril 9 hanggang 10 ang number coding sa Metro Manila.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay dahil idineklara ang dalawang petsa bilang regular holidays.
Ibig-sabihin, papayagang bumiyahe sa buong Metro Manila sa araw ng Martes ang mga plakang nagtatapos sa 3 at 4 at sa Miyerkules ang mga plakang nagtatapos sa 5 at 6.
Matatandaan na ang Abril 9 ay ipinagdiwang ang Araw ng Kagitingan habang idineklara naman bilang pagtatapos ng buwan ng Ramadan ang Abril 10.