SUSPENDIDO ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 9, ang number coding scheme sa Metro Manila.
Sa anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa X account nito, ang suspensiyon ay dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Bukod pa rito, ngayong araw ay idineklara din bilang special non-working day ng pamahalaan.