Number coding scheme, suspendido sa Huwebes

Number coding scheme, suspendido sa Huwebes

SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Huwebes, Disyembre 8.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng Feast of the Immaculate Conception of Mary.

Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang number coding scheme ay ipinatutupad mula 7am – 10am at 5pm – 8pm.

Follow SMNI NEWS in Twitter