IBINAHAGI ng nutritionist ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz ang sekreto sa tagumpay kung paano ito naka-survive sa pressure sa mismong aktuwal na laro sa nakaraang 2020 Tokyo Olympics.
Gumawa ng kasaysayan ang Olympic weightlifting superstar sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics kungsaan nasungkit nito ang pinakaunang Olympic gold medal para sa Pilipinas.
“So simple ang kinakain niya, kumakain siya ng ulam at meat. You know kumakain siya ng gatas, prutas, gulay, tinapay, itlog- ganon lang yung mga kinakain niya lagi,”ayon kay Coach Jeanette Aro.
Pero kahit may sinusunod na meal plan, may mga pagkakataon din anya na may cheat day si Hidilyn.
Malaking bagay din aniya na transparent ito sa kanyang mga kinakain para makamit ang sekreto sa tagumpay.
“Once a week she has a free day, she can eat whatever she wants. Minsan nga hindi lang once 1 week kasi minsan mid-week may mga extra-extra siya. But the good thing with Hidy, she’s transparent and also yung mga coaches namin lalo na si Coach Julius tinutulungan niya rin akong mag-monitor kay Hidy,”ayon nito.
Ibinahagi naman ni Aro kung paano nakatagal si Hidilyn sa mismong araw ng kompetisyon.
“At the start of the competition may mga pina-iinom ako sa kanya dun to sustain her body during those times of stressful situation. Ilang segundo lang siyang magbubuhat doon sa actual niya na buhat. Pero doon sa whole duration na yon na naghihintay kami ng time niya para magbuhat, sobrang tense niya, sobrang stressful syempre nagbu-burn siya ng calories nun. Nagbu-burn siya ng energy so I had to give her liquid nutrition to aid her body and manage her energy level for the whole duration of the competition. Kaya kahit noong nasa dulo na kami kahit papaano prepared yung katawan niya,”dagdag ni Coach Aro.
Matagal na pinagplanuhan ng team Philippines ang mga taktika nila sa Olympics kaya nila nasungkit ang panalo.
Aminado naman ang team na minaliit ng China si Hidilyn.
Bago kasi ang Olympics, hindi maganda ang performance nito sa Asian Championships noong April.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng team ni Hidilyn ang pagsali nito sa world championships, SEA Games at Asian Games.
Payo naman ni Coach Jeanette sa mga gustong sumunod sa yapak ni Hidilyn.
‘’Pagdating sa mga athletes I just want to let you know na pagdating sa area ng nutrition you have to take it seriously. Not just for the purposes of cutting weight para ma-meet niyo yung cut-off ng timbang sa weigh in. But also really to allow your body to maximize your training performance and allow your body to maximize your training adaptation or gains and allow your body to recover well during the training phase of your preparation. It’s not something na pabugso-bugso lang ‘yung pagsunod ninyo but you have to be consistent all the time in terms of following the right kind of nutrition program.”ayon ni Coach Jeanette Aro.