NASA 1,000 provincial chapter presidents ng Sangguniang Kabataan (SK) ang nakatakdang lumahok sa isasagawang National Youth Convention sa Baguio City ngayong darating na Disyembre 7-10, 2023.
Pangungunahan ang aktibidad ng National Youth Commission katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may temang “Mga Bagong BIDA sa Bagong Pilipinas”.
Sa ilalim nito ay sasailalim sa pagsasanay ang mga kabataang lider para maging epektibong pinuno ng kanilang nasasakupan.
Target nito na maging kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga SK leader at makagawa ng programang makapag-aangat sa kasanayan, edukasyon at oportunidad para sa mga kapwa nilang kabataan.