NYC Usec. Cardema, inisa-isa ang kahalagahan ng pagbabalik ng Mandatory ROTC

NYC Usec. Cardema, inisa-isa ang kahalagahan ng pagbabalik ng Mandatory ROTC

INISA-isa ni National Youth Commission (NYC) Usec. Ronald Cardema ang kahalagahan ng pagbabalik ng Mandatory ROTC sa mga kabataan sa bansa.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi nito na kailangan nang simulan na sanayin ang mga kabataan sa pagmamahal, pagtulong at pag-mobilize sa bayan.

Ito ay kung nanaisin natin na maging handa ang bansa sa mga hamong kinakaharap ng Pilipinas partikular sa mga kalamidad at insurhensiya.

Ayon kay Cardema kung di mabibigyan ng dispilina at basic skills ang kabataan sa disaster preparedness at pagmamahal sa bansa ay mapapag-iwanan ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Cardema na kailangan talagang magbigay ng nation building program ang bansa at mangyayari lang ito aniya kung maibabalik ang ROTC sa mas magandang version nito.

Follow SMNI NEWS in Instagram