PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang oath-taking ng Philippine National Committee Officers ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Law Association of the Philippines, Inc. sa Malacañang Palace nitong Martes, Pebrero 6, 2024.
Kabilang sa dumalo sa event si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo kasama ang associate justices ng Korte Suprema, at mga opisyal at mga miyembro ng ASEAN Law Association.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga bagong itinalagang National Committee Officers ng ASEAN Law Association sa naturang oath-taking ceremony.
Ani Pangulong Marcos, ito ay partikular na mahalaga sa pagkamit ng layunin para sa isang makatarungang pandaigdigang komunidad sa gitna ng mga kritikal na geopolitical issues na kinakaharap sa loob ng rehiyon.
Ang mga opisyal ng Philippine National Committee ng ASEAN Law Association ay nangunguna sa pagtataguyod ng panuntunan ng batas at pagtataguyod ng katatagan ng lipunan at kaunlaran ng ekonomiya sa ASEAN region.
Ang ASEAN Law Association (ALA) na itinatag noong 1979 ay isang non-governmental na organisasyon na pinagsasama-sama ang ASEAN.
Legal fraternity ng mga hukom, gobyerno, practicing lawyers, at teachers of law.