ITINALAGA si Director Edgar Posadas bilang bagong tagapagsalita ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC).
Pinalitan ni Posadas si Assistant Secretary Raffy Alejandro.
Minsan nang naging tagapagsalita ng ahensiya si Posadas sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Magsisilbi naman bilang deputy spokesperson ng OCD-NDRRMC si Diego Agustin Mariano.
Puspusan naman ang paghahanda ng ahensiya sa posibleng maging epekto ng El Niño at aktibidad ng Bulkang Mayon at Bulkang Taal.