NAGHAHANDA at naka-standby ang Office of Civil Defense (OCD) kaugnay sa nararanasang sunod-sunod na mga pagyanig sa Ilocos Sur.
Partikular na minonomitor ng ahensiya ang Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon at hinikayat ang local government units na maghanda ng earthquake at tsunami evacuation plans.
Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mula Disyembre 17 hanggang Disyembre 20, 2024 ay umabot sa 49 earthquakes ang naitala sa Santa Catalina, Ilocos Sur.
Pinakalamakas sa naitala ay ang magnitude 5.0 na lindol noong Disyembre 19.