Office of the Vice President, nakatanggap ng isang bomb threat

Office of the Vice President, nakatanggap ng isang bomb threat

NAKATANGGAP ang Office of the Vice President (OVP) ng isang bomb threat.

Naging dahilan ito ng biglaang pagkaantala ng operasyon ng OVP.

Ayon sa tanggapan, agad na inilikas ang mga kawani nito sa isang ligtas na lugar matapos iulat ng isang empleyado na nakatanggap siya ng text message na naglalaman ng bomb threat.

Agad namang nagpadala ang Mandaluyong City Police Office ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team upang magsagawa ng masusing pagsisiyasat.

Matapos ang inspeksyon ay walang natagpuang anumang pampasabog at muling nagpatuloy ang operasyon ng OVP bandang alas-4:00 ng hapon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter