Office of the Vice President, namahagi ng Personal Protective Equipment set

NAMAHAGI ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo ng mga Personal Protective Equipment (PPE) sets sa mga ospital sa Metro Manila.

Kabilang sa nakatanggap ng PPE sets ang San Lazaro Hospital, Philippine General Hospital at ang University of the Philippines-National Institutes of Health.

Naglaan ang opisina ni Robredo ng P5.9 milyon ng kanilang pondo para makatulong sa pagbibigay ng PPE set sa 1,000 front liners sa loob ng 15 araw.

Nakalikom din ito ng P6.4 milyon para sa karagdagang pambili ng PPE set para sa mga health workers na nangunguna sa paglaban sa 2019 coronavirus disease outbreak.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.