OFW deployment sa Haiti, sinuspinde ng DMW

OFW deployment sa Haiti, sinuspinde ng DMW

PANSAMANTALANG sinuspinde ang deployment ng Overseas Filipino Workers sa Haiti.

Partikular na saklaw nito ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ang processing at deployment ng bagong hired at returning OFWs sa bansa.

Dahilan nito ang lumalalang gang violence sa Haiti na nagiging sanhi ng libu-libong casualties.

Tinataya pa ngang halos 360-K katao ang na-displace dahil sa kagulugan ayon sa United Nations.

Sa ngayon ay inilagay na ng DMW sa Alert Level 3 ang Haiti.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble