OFW, ibinahagi ang mapait na karanasan sa giyera ng Ukraine kontra Russia

OFW, ibinahagi ang mapait na karanasan sa giyera ng Ukraine kontra Russia

Isang OFW mula Ukraine ang nagbahagi ng kaniyang mga karanasan sa nagpapatuloy ngayon na Ukraine -Russia war.

“Akala nila ‘yung giyera basta ano lang ba. Sasabihin nila tinutulungan tayo ng Amerika ng ganiyan, taas sila ng kamay ganyan nagmamalaki. Hindi nila alam kung papaano ‘yung giyera,” ayon kay Rey Arpon, OFW sa Ukraine.

Sa panayam sa SMNI, ay ikinuwento ng kababayan nating si Rey ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga nadadamay ngayon sa Ukraine-Russia War.

Nasa Denmark na ngayon ang pamilya ni Rey at wala na sa Ukraine.

Kuwento niya, nagimbal silang lahat nang atakehin ng Russia ang Ukraine Pebrero ng 2022.

“Hindi man ini-expect ng mga citizen doon na magkaka-giyera. Dahil walang abiso din ang gobyerno. Kaya nabigla na lang ang mga tao na ganoon na ang nangyari,” ani Arpon.

Ani Arpon, daming problema ngayon sa Ukraine mula sa kahirapan, kawalan ng suplay ng pagkain lalo na ang kuryente.

Damay diyan ang nasa 10 Pilipino na kakilala niya na nasa Ukraine pa rin ngayon.

Hindi aniya makaalis dahil may mga pamilya.

“‘Yung iba, ayaw talagang magbukas ng kuryente at ‘yung iba walang kuryente. ‘Yun ang inaalala nila ngayon sa ngayong panahon na ‘to. Sa winter anong mangyayari,” ayon pa kay Arpon.

Amerika ang number 1 military ally ng Ukraine at dahilan kung bakit malakas ang loob nitong makipag-giyera sa Russia.

Pero, sa kuwento ng mga kakilala ni Arpon na naiipit ngayon sa digmaan, palyado ang armas na binigay ng Amerika.

“Tingnan mo ang Ukraine ngayon, papano nila madepensahan? Ang problema din ngayon sa Ukraine ganito, binigyan sila ng ammunition pero ‘yung mga ammunition ngayon mga second hand. Ngayon nasa field, ang ginagawa nila… kinukuha nila kung ano ‘yung mga gamit. Kung gulong kunin nila tapos ‘yung battery kunin nila i-assemble nila ngayon,” dagdag ni Arpon.

Samantala, wala namang nakikitang matinong dahilan si dating Philippine Ambassador to Greece and Cyprus na si Rigoberto Tiglao sa pagbisita kamakailan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Pilipinas.

Saad ni Tiglao, parehong ‘puppet’ ng US ang Pilipinas at Ukraine kaya nagtungo dito sa Pilipinas si Zelenskyy.

Diin ni Tiglao, pakana ng Amerika na pagtagpuin ang dalawang lider na aniya’y binubully bilang optics o propaganda.

Ang Ukraine bilang binubully ng Russia, habang ang Pilipinas naman ng China.

“The only rational explanation for the Zelenskyy to travel so far is that their puppeteer the US is a demanding taskmaster, and its propagandists thought it would be great optics for the leaders of two countries being “bullied” by the two superpowers to meet to express their solidarity with each other, the world’s two Davids fighting the evil Goliaths of our era. That’s it,” wika ni Rigoberto Tiglao, Former Philippine, Ambassador to Greece and Cyprus.

“Kaya kung mangyayari ‘yan sa Pilipinas, akala ng mga tao ‘yung giyera basta ganon lang. Hindi nila alam kung ilan nang tao ang namatay. Lalong-lalo na tayo anong kalaban-laban natin. Para talaga tayong Ukraine. Magiging pangalawang Ukraine tayo sa Asia kung ‘yan ang mangyayari,” ayon pa kay Arpon.

Sa huli, nanawagan naman si Arpon sa pamahalaan na huwag magpadala sa pang-uudyok ng US na makipagiyera ang Pilipinas sa China.

At magsilbi sanang aral ang sinapit ngayon ng Ukraine na hanggang ngayon ay biktima pa rin ng hindi mahinto-hintong putukan.

OFW, nanawagan sa pamahalaan na huwag magpauto sa US para pumasok sa giyera

“Hindi na nga dapat ipaliwanag… tingnan na lang nila ang sitwasyon doon sa Ukraine. Kung ilan na ang tao ang namatay… ilan na ang mga magulang na hiwalay na sa kanilang mga anak. ‘Yung nahiwalay sa kanilang mga asawa. Ilan na ang mga namatay din na mga bata, mga matatanda, walang pag-asa, ‘yung wala nang mga bahay,” dagdag ni Arpon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter