OFW, ika-250 milyong pasahero ng Cebu Pacific, nakatanggap ng cash at round-trip tickets

OFW, ika-250 milyong pasahero ng Cebu Pacific, nakatanggap ng cash at round-trip tickets

ISANG malaking sorpresa ang naghihintay kay Russel Capaniarihan, isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Bacolod, nang siya ay maging ika-250 milyong pasahero ng Cebu Pacific (PSE: CEB) noong Miyerkules sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Pinatunayan nito ang patuloy na dedikasyon ng airline sa pagbibigay ng abot-kaya at ‘di malilimutang karanasan sa paglalakbay.

Hindi inaasahan ni Capaniarihan, na kasalukuyang naninirahan sa Singapore, na siya ang mapalad na mapili sa daan-daang pasahero ng Cebu Pacific.

Sumakay siya sa Flight 5J 814 mula Singapore patungong Maynila, isang paglalakbay pauwi sa Pilipinas matapos ang 11 taon para makasama ang kaniyang pamilya ngayong Kapaskuhan.

Mainit na sinalubong si Capaniarihan ng mga opisyal ng Cebu Pacific sa Ninoy Aquino nitong Miyerkules.

Bilang pagkilala sa makasaysayang tagumpay na ito, nakatanggap si Capaniarihan ng PHP 250,000 na cash at 25 libreng round-trip tickets papunta sa anumang destinasyon sa malawak na network ng Cebu Pacific na sumasaklaw sa Pilipinas, Asya, Australia, at Gitnang Silangan.

Sinabi ni CEB President and Chief Commercial Officer Xander Lao, ang pag-abot sa 250 milyong pasahero ay isang patunay sa tiwala at katapatan ng bawat Juan na pumili na sumakay sa kanilang airline.

Kinakatawan nito ang napakaraming kuwento, muling pagsasama-sama, at ‘di malilimutang mga sandali na naganap sa mga nakaraang taon.

“This 250 million passenger milestone is a testament to the trust and loyalty of every Juan who has chosen to fly with us. It represents countless stories, reunions, and memorable moments made possible over the years. Today, we reaffirm our commitment to making every Juan’s journey affordable, accessible, and unforgettable—not only across the Philippines but beyond,” pahayag ni Xander Lao, President and Commercial Officer.

“This is a story that we cannot make up, and to have been part of 250 million stories, it’s really for us a privilege and inspiration, and what really motivates us to continue growing and doing the right thing every day,” ayon kay Candice Iyog, Chief Marketing and Customer Experience Officer, CEB.

Sinabi rin ni Iyog na inaasahan nilang aabot sa 2.2 milyon hanggang 2.9 milyon ang mabibiling upuan sa Cebu Pacific sa 2025, habang may 12,000 hanggang 16,000 flights kada buwan at 104-116 na ruta, dahil sa 130% na paglago ng kanilang network taon-taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble