OFW Party-list, nilinaw bakit ‘overkill’ kung buwagin ang party-list system ng bansa

OFW Party-list, nilinaw bakit ‘overkill’ kung buwagin ang party-list system ng bansa

MARAMING mga party-list ang totoong tagapagtaguyod ng kanilang adbokasiya.

Ito ang binigyang-diin ni OFW Party-List Rep. Marissa del Mar Magsino sa panayam ng SMNI News hinggil sa kanyang komentong ‘overkill’ ang mungkahing tanggalin na ang party-list system.

Naibahagi ni Magsino na bagamat first termer pa lang sila sa Kongreso, 22 taon na silang tumutulong sa mga OFW.

Sa muli, ayon kay Magsino, repormang tunay na sasalamin sa layunin ng Party-list System Act ang dapat isulong.

Imbis aniya na bawiin, tanggalin o buwagin ang party-list system ng bansa.

Maituturing na ‘overkill’ kung matuloy na bubuwagin ito.

Follow SMNI NEWS in Instagram