OFWs at poll watchers, nagpaabot ng pagbati ng maligayang kaarawan kay Pastor Apollo C. Quiboloy

OFWs at poll watchers, nagpaabot ng pagbati ng maligayang kaarawan kay Pastor Apollo C. Quiboloy

NAGPAABOT ng pagbati ng maligayang kaarawan ang mga OFW at poll watchers sa bansang Malaysia sa Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang kaarawan ni Pastor Apollo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Maraming gift giving at relief operations din ang isinagawa ng butihing Pastor katuwang ang SMNI Foundation Inc. at Childrens Joy Foundation na nagbenepisyo naman sa libu-libong kabataan sa iba’t ibang bansa.

Kasabay nito ay mainit namang ipinaabot ng mga OFW at poll watchers sa Malaysia ang pagbati nito kay Pastor Apollo.

Ayon sa mga ito, kung hindi dahil kay Pastor Apollo at sa SMNI News ay hindi malalaman ng mga ito ang mga totoong nangyayari sa Pilipinas.

Nagpapasalamat din ng buong puso ang SMNI News Malaysia sa pagtitiwala ni Pastor Apollo upang maging katuwang nito sa Malaysia sa pagbabalita at maging tulay sa paghahatid ng impormasyon sa mga OFW, maraming salamat Pastor at maligayang kaarawan.

Follow SMNI NEWS in Twitter