OFWs na benepisyaryo ng amnesty program sa UAE, nadagdagan pa

OFWs na benepisyaryo ng amnesty program sa UAE, nadagdagan pa

NAKAUWI nitong Nobyembre 1, 2024 ang nasa 35 Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama ang limang menor de edad mula Dubai.

Ang mga ito ay kabilang sa mga nakapag-avail ng amnesty program ng United Arab Emirates (UAE) simula noong Setyembre 1.

Noong Oktubre 31 ay nasa 80 OFWs at pitong menor de edad rin ang nakauwi lulan sa Flight PR659 sa pamamagitan ng amnesty program; 48 OFWs noong Oktubre 30; habang walo at isang menor de edad noong Oktubre 29.

Ang amnesty program ay inaalok sa mga Pilipinong overstaying sa Dubai, UAE upang makauwi na sa Pilipinas nang walang multa o parusa.

Sa kabilang banda, noong Oktubre 31 ay mayroon ding 50 OFWs mula Kuwait sakay sa Flight GF154 ang lumapag sa NAIA terminal 3.

Habang nasa 60 OFWs at limang menor de edad noong Oktubre 29.

Ang mga galing sa kuwait ay kasali naman sa repatriation efforts upang mailigtas mula sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East partikular na ang Gaza War.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble