OFWs na biktima ng balikbayan boxes scam, bibigyan ng Action Fund Assistance—DMW

OFWs na biktima ng balikbayan boxes scam, bibigyan ng Action Fund Assistance—DMW

TINIYAK ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na makakatanggap ng tulong-pinansiyal ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na biktima ng balikbayan boxes scam.

Sinabi ng kalihim na ito ay dahil nagbabayad sila ng door-to-door shipment sa Pilipinas ngunit hindi nakakarating ang mga boxes sa kanilang tinitirhan.

Samantala, patuloy na tinutugunan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang problema sa delayed shipment ng balikbayan boxes ng mga OFW.

Ayon kay Secretary Cacdac, nakikipagtulungan ang Bureau of Customs (BOC) para sa agarang pagpapalabas ng mga balikbayan boxes ng mga Pinoy workers na nasa ibang bansa.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 9,000 ang naibalik na balikbayan boxes sa mga OFW nitong nakaraang taon.

May limang libo pa ang ilalabas ng BOC, kalahati nito ay mula sa Port of Davao City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble