OFW’s na may COVID-19 sa Hong Kong, tumaas na sa 195

OFW’s na may COVID-19 sa Hong Kong, tumaas na sa 195

TUMAAS na sa 195 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, magbibigay ang pamahalaan ng tulong sa mga apektadong Filipino workers sa Hong Kong.

Ani Cacdac, 53% ng infected OFW’s ay nasa home isolation facility ng kanilang mga employer, sampung OFW’s ay nasa hospital habang ang mga natitira ay nasa mga pasilidad ng Hong Kong government, non-government organizations, at OWWA.

Para sa mga OFW’s sa Hong Kong na umuwi ng Pilipinas, sinabi ni Cacdac na makatatanggap ang mga ito ng livelihood at iba pang tulong mula sa gobyerno kabilang na ang college scholarship aid para sa kanilang mga anak.

Follow SMNI NEWS in Twitter