NAGPAHAYAG ng suporta ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Sweden para sa kandidatura nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Dito sa Pilipinas, tila normal na ang jam packed venue kapag sina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang dadalo.
Ang mga kababayan natin sa abroad, hindi rin pahuhuli sa pagpapakita ng suporta.
Kamakailan, nagsagawa ng mini rally ang mga OFW sa Sweden para suportahan ang UniTeam.
At para sa mga kababayan natin sa Scandinavian region, matagal na nilang plinano ang event.
‘‘It was really not just about yung campaign rally. It’s about also meeting other Filipinos dito,’’ ayon kay Kem Navoa OFW sa Sweden.
Sa kanyang pagtaya, mahigit sa sampung libo ang mga Pinoy sa Scandinavian countries kabilang na ang mga nasa Norway at Denmark at iba pa.
Ayon kay Navoa, si Pangulong Duterte ang kanilang sinuportahan noong 2016.
At ngayong sina Bongbong at Sara ang manok ng Pangulo, ito rin daw ang kanilang susundan.
‘’Sa aming part is, it’s about redemption diba its 30 years na binigyan naman natin ng chance si Pinoy and why can’t we give chance to Bongbong Marcos?’’ paliwanag ni Navoa.
At para sa mga Pilipino doon, panahon na ngayon ni BBM para maging Pangulo.
Lalo na’t malakas ang backing nito sa katauhan ni Mayor Inday para magkaroon ng continuity ang mga programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kaya kahit malayo sila sa Pilipinas, patuloy nilang igigiit ang kanilang pagnanais na magtagumpay ang bayan sa susunod na administrasyon.
‘’I think hindi lang naman yung Sweden. Nakikita ko rin naman ang kapwa OFWs namin around Europe at kami, nakikita namin kasi ang magandang ginagawa rather than yung mga negative na sinasabi nila,’’ saad nito.