OFWs sa The Hague, Netherlands nagtipon sa harap ng ICC Detention Center bilang suporta kay former President Duterte

OFWs sa The Hague, Netherlands nagtipon sa harap ng ICC Detention Center bilang suporta kay former President Duterte

The Hague, Netherlands – Mayo 1, 2025 – Patuloy ang pagbuhos ng suporta mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang bahagi ng mundo para kay Former President Rodrigo Roa Duterte, habang daan-daang Pilipino ang nagtipon sa harap ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague bilang pagpapakita ng paninindigan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Mariing ipinahayag ng mga OFW ang kanilang pagtutol sa anila’y panggigipit kay Duterte kaugnay ng mga isyung kinahaharap nito sa ICC. Ayon sa mga kalahok, ang pagtitipon ay hindi lamang suporta sa dating pangulo, kundi panawagan din para sa respeto sa soberanya at hustisya ng Pilipinas.

“Si Duterte ay hindi kriminal, kundi isang lider na minahal ng masang Pilipino,” ani ng isang OFW mula Italy na lumipad patungong Netherlands upang makiisa.

Ang pagkilos ay sinamahan din ng panalangin at mensahe ng pagkakaisa, sa layuning maiparating sa buong mundo ang pananaw ng malaking bahagi ng Pilipinong nasa ibayong dagat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble