Ogie Diaz, naghain ng counter-affidavit vs. cyberlibel complaint ni Bea Alonzo

Ogie Diaz, naghain ng counter-affidavit vs. cyberlibel complaint ni Bea Alonzo

NAGHAIN si Ogie Diaz ng perjury complaint laban sa aktres na si Bea Alonzo nitong Hunyo 18 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kasama ng perjury complaint ay ang isang 70-page counter-affidavit rin.

Sa counter affidavit, sinabi ni Ogie na hindi naipaliwanag ni Bea kung sino sa kaniya at mga co-respondent ang nagsabi ng mga mapanirang-puri na salita kung kaya’t mistulang siya lang aniya ang suspek dito.

Sa inihaing perjury case, sinabi rito na walang sinabing mapanirang-puri ang co-respondent ni Ogie na si Mama Loi kung kaya’t bakit kasama ito sa sinampahan ng cyberlibel complaints.

Noong Mayo, naghain si Bea ng magkahiwalay na cyberlibel cases kontra Cristy Fermin at Ogie kasama na ang co-hosts ng mga ito sa kanina-kanilang mga programa.

Mayroon din itong inihaing reklamo laban sa isang basher na nagpapanggap na “close” niya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa affidavit ni Bea, nakasaad dito na biktima siya ng hindi tama, malisyoso, at nakakapinsalang impormasyon mula sa kaniyang basher.

Pinag-usapan pa aniya ito nina Ogie at Cristy sa kani-kanilang mga programa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble