Oil price hike, muling ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas

Oil price hike, muling ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas

BADNEWS sa mga motorista, sa ikalawang sunod na linggo ay magpapatupad ng oil price hike sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas.

Sa abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, nasa 75 sentimos ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa P1.10 naman ang dagdag-singil sa kada litro ng kanilang diesel habang 90 sentimos sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring taas-presyo sa gasolina at diesel ang Petro Gazz at Cleanfuel.

Pawang epektibo ang price adjustment ng alas 6:00 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na alas 4:01 ng hapon.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ngayong araw ng oil price hike ang ilan pang kumpanya ng langis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.