Oil price hike, nakaamba sa bisperas ng Pasko

Oil price hike, nakaamba sa bisperas ng Pasko

MAY nakaambang taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya, tataas ng mula P1.20 hanggang P1.40 ang kada litro ng diesel.

Habang mula P0.30 hanggang P0.50 sa kada litro ng gasolina at mula P0.70 hanggang P0.90 ang kada litro ng kerosene.

Iaanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw, Disyembre 23, 2024 at magiging epektibo ito bukas, Disyembre 24 o sa bisperas ng Pasko.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble