Oil price rollback, nakaamba ngayong linggo

Oil price rollback, nakaamba ngayong linggo

MAY nakaambang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Batay sa isang oil industry source, maglalaro mula P2.10 hanggang P2.30 ang ibabawas sa kada litro ng diesel.

Habang nasa P0.75 hanggang P1.00 ang inaasahang kaltas sa kada litro ng gasolina.

Posibleng bababa rin ng mula P2.00 hanggang P2.20 ang presyo ng kerosene.

Nitong nakaraang 2 linggo, dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang naranasan ng mga motorista.

 

Follow SMNI News on Twitter