MAGPAPATUPAD ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.
Sa pagtataya, bababa ang presyo ng kada litro ng gasolina mula P2.40 hanggang P2.60.
Posible ring may bawas-presyo ang kada litro ng diesel mula P1.80 hanggang P2.00; habang P2.20 hangang P2.40 sa kerosene.
I-aanunsiyo naman ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw at magiging epektibo bukas, araw ng Martes.