Oil smuggling, isa mga tinitingnang anggulo sa Bataan Oil Spill

Oil smuggling, isa mga tinitingnang anggulo sa Bataan Oil Spill

TINITINGNAN na ang lahat ng anggulo o dahilan ng Bataan Oil Spill matapos ang paglubog ng MKTR Terranova, MKTR Jason Bradley at MV Mirola noong nakaraang Hulyo sa sea waters ng Bataan.

Ang Oil Spill Interagency Committee ay nagkaroon na ng pagpupulong sa Department of Justice (DOJ).

Isa sa mga iniimbestigahan ay kung sangkot sa ilegal na akitibidad tulad ng paihi o oil smuggling ang mga tanker.

“It’s one of the possibilities kasi ‘yan. Kasi sa lahat ng sakuna tinitingan mo lahat ‘yan kung ito ba ay intentional or ito ba ay dahil sa negligence or ito ba ay may kuntsabahan etc. Hindi natin dini-discount mga probable criminal liabilities dyan kasi parte ng imbestigasyon lahat at ‘yun ang instruction namin, titignan kung meron bang koneksyon nung pagkakaroon ng paglubog ng tatlong barko na halos magkalapit-lapit lang at saka mga red flags na nakita namin na pinupursue ng NBI kasama na ‘yung PCG at MARINA,” saad ni Usec. Raul Vasques, Department of Justice.

Ayon sa DOJ, ang Jason Bradley, ay inireklamo na noon pa dahil sa oil smuggling.

Wala din umano itong permit na makapaglayag habang ang Mirola ay hindi naman rehistrado.

“Kasi ‘yong Jason Bradley, in fact meron syang seizure order nga from Customs dahil involve na ito sa isang kaso before na pending dito sa amin, ‘yan ay dahil sa oil smuggling, ‘yan ay ayon sa imbestigasyon ng NBI nung vinerify nila ang mga records. So parang meron, sabihin na lang natin, history na ganyan kasi. Meron din raw data sila na tinitignan ‘yung anggulo na pati yung MIROLA 1 ay involved din sa mga illegal activities. Dahil ‘yung dalawang barko na ito lalo na ang MIROLA hindi registered, at ito daw ayon sa Coast Guard ay tumakas galing sa Navotas. So, ‘yung lahat ng anggulo ‘yan, red flags lahat ‘yan,” dagdag ni Vasques.

Itinutulak na muling mapalutang ang mga tanker at ma-salvage para masuri ang langis na karga ng mga ito.

“Lahat kasi ng oil kung dumaan sa Customs may tinatawag na marker. So, kung may marker ‘yan, malalagyan ‘yan ng pagka nakakuha ka ng sample, machi-check mo kasi nilalagyan ng Customs ‘yan ng marker na magpapakita na nagbayad ng cCstoms duties and tariffs ‘yan, pagwala ibig sabihin kung saan nanggaling ‘yan, number one. Number two, ichi-check din nila kung parehas ang oil na nandun sa tatlong barkong ‘yan para ma-establish mo,” ani Vasques.

Bahagi rin ng imbestigasyon ay kung may pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno kung bakit nakapaglayag ang mga tanker.

“Sabi nila ayon sa report nila, bakit nasira daw ‘yung makina, bakit nasira ang makina at ano ang rason bakit 26 hours na mula na naglayag mula sa lima eh 3 to 5 nautical miles ang layo nya natakbo nya. sinasabi nila kasi nagkaroon na daw sya ng mechanical trouble. Pero gaya sa kotse kung ikaw ay nasa transportasyon, obligasyon mong i-maintain ang kotse mo. So merong criminal negligence, may civil negligence pa din or administrative kung makikita natin na merong pagkukulang ang mga government officials natin na hindi nila ginampanan ang kanilang obligasyon sa pagpayag na maglayag tong mga to,” aniya.

Una namang itinanggi ng Terranova ang alegasyon ng oil smuggling.

Samantala, tiniyak naman ng DOJ na mabibigyan ng kompensasyon ang mga apektadong mangingisda dahil sa oil spill.

Sa Cavite, 31,000 na mga residente ang mga tinatayang apektado ng oil spill habang 21,000 naman sa bandang Bataan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble