Oil spill sa Mindoro, kontrolado na—DENR

Oil spill sa Mindoro, kontrolado na—DENR

KONTROLADO na ang oil spill sa Oriental Mindoro, ito ang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay DENR chief Toi Yulo-Loyzaga, on-going pa rin ang oil spill at mayroong langis na mag-e-evaporate at mariin itong binabantayan sa ngayon upang magawan nila ng aksiyon at maprotektahan ang ecosystem ng lugar.

Ani Loyzaga, nasa huling bahagi na sila ng clean-up ayon sa National Task Force on Oil Spill Management.

Dagdag pa ni Loyzaga, inaasahang matatapos ang oil extraction sa loob ng 20 – 30 na araw depende sa magiging kondisyon ng panahon.

Matatandaan, noong Pebrero 28 nang lumubog ang MT Princess Empress sa karagatan ng Pola, Oriental Mindoro na may lamang nasa 800,000 litro ng industrial oil.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter