OKC Thunder, kampeon sa NBA sa kauna-unahang pagkakataon

OKC Thunder, kampeon sa NBA sa kauna-unahang pagkakataon

NAITALA ng Oklahoma City Thunder ang kanilang kauna-unahang NBA championship matapos talunin ang Indiana Pacers, 103-91, sa Game 7 ng NBA Finals ngayong Lunes ng umaga, oras sa Maynila.

Pinangunahan ni season MVP at Finals MVP Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder sa kanyang 29 points, 12 assists, at 5 rebounds. Nag ambag din sina Jalen Williams ng 20 points at Chet Holmgren ng 18 points at 8 rebounds.

Sa pagtatapos ng third quarter, umagwat ang Thunder at hindi na lumingon pa, kahit pa lumaban ng husto ang Pacers sa huling yugto. Nawalan ng lakas ang Indiana matapos ma-injure si Tyrese Haliburton sa unang quarter at hindi na nakabalik.

Nagpakitang-gilas si Bennedict Mathurin para sa Pacers na may 24 points at 13 rebounds, habang sina Pascal Siakam at TJ McConnell ay may tig-16 points.

Ito ang unang beses na nakamit ng Oklahoma City ang tropeo ng Larry O’Brien. Ang koponan ay dating Seattle Supersonics, na huling nagkampeon noong 1979 bago lumipat sa OKC noong 2008.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble