Okinawa governor, tinanggihan ang planong relokasyon ng US base

TINANGGIHAN ng Okinawa governor ang planong relokasyon ng United States (US) Military Airbase sa prefecture nito.

Nagpahayag ang Okinawa governor prefecture sa pamahalaan ng Japan na hindi ito sang-ayon sa binagong plano para sa paglipat ng US Marine corps Futenma Air Station sa Ginowan City sa less-populated na distrito ng Henoko sa Nago City.

Pormal na tinanggihan ng Okinawa ang plano, higit 19 na buwan matapos itong ilahad ng sentral na pamahalaan na may mga bagong hakbang upang patatagin ang malambot na pundasyon sa lugar para sa land reclamation.

Inihayag ng gobernador ng Okinawa noong Miyerkules na ang mga binagong plano ay hindi batay sa detalyadong survey ng pundasyon.

Binanggit din nito ang kakulangan ng wastong mga hakbang sa kapaligiran para mabawasan ang potensyal na pinsala sa marine life ng prefecture.

Dagdag pa ng gobernador na patuloy nitong hihilingin sa pamahalaan ng Japan at Estados Unidos na alisin ang mga panganib ng base sa lalong madaling panahon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.