Okoy River sa Valencia, Negros Oriental umapaw

Okoy River sa Valencia, Negros Oriental umapaw

UMAPAW ang Okoy River sa Buayahan, Valencia, Negros Oriental.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Executive Director Adrian Sedillo, ang pag-apaw ng ilog ay bunsod ng malakas na pag-ulan hatid ng habagat at Bagyong Egay.

Sinabi ni Sedillo na patuloy ang kanilang pagbabantay sa iba pang ilog at mababang lugar sa katimugang bahagi ng Negros Oriental.

Una nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy ang pag-ulan sa susunod na tatlong araw sa Palawan, Antique, Western Visayas kasama ang Negros Occidental at Negros Oriental.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter