IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na special non-working holiday ang Oktubre 31.
Inanunsyo ito ni Office of the Press Secretary (OPS)-OIC Undersecretary Cheloy Garafil sa Palace briefing ngayong araw, matapos aniya lagdaan ng Pangulo ang isang proclamation hinggil dito.
Saad ni Garafil, ginawa ang naturang deklarasyon upang magkaroon ng maraming panahon ang pamilya na magkakasama lalo’t panahon din ito ng Undas.
Inihayag pa ng OPS na layon din ng naturang proklamasyon na ipromote ang local tourism.