OMAG, namahagi ng mga rat traps at pataba sa mga magsasaka

OMAG, namahagi ng mga rat traps at pataba sa mga magsasaka

NAMAHAGI ng mga rat traps ang Office of the Municipal Agriculturist (OMAG) sa 100 magsasaka sa Barangay Maligcong at Tocucan.

Ayon kay Assistant Municipal Agriculturist Catherine Agcon, ang pamamahagi ng mga rat trap ay ukol na rin sa mga nakalap na pangangailangan ng nasabing mga barangay.

Nakatanggap naman ng tig 20 kilo ng pataba ang 87 na rehistradong magsasaka na hindi pa nakakatanggap ng financial assistance sa mga barangay ng Bontoc.

Ayon kay Bontoc Mayor Jerome ”Chagsen” Tudlong Jr. ang pamamahagi ay suporta ng LGU sa programa ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa agrikultura ng bansa.

Inaanyayahan ng alkalde ang mga magsasaka na magparehistro sa Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para makatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter