Omani government, aalisin na ang kanilang travel restrictions sa OFWs — POEA

Omani government, aalisin na ang kanilang travel restrictions sa OFWs — POEA

AALISIN na ng Omani government ang kanilang travel restrictions sa overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang inanunsyo ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Olalia, sakaling gawin ito ng Omani government ay ibabalik na rin ng Pilipinas ang pagpapadala ng OFWs sa nasabing bansa.

Hunyo 18 nang pansamantalang sinuspinde ng Pilipinas ang deployment ng mga OFW sa Oman matapos mapabilang ang bansa sa travel ban nito.

(BASAHIN: Deployment ng mga OFW sa Oman, pansamantalang sinuspinde)

Fully vaccinated returning OFWs, huwag nang isailalim sa quarantine —ACT-CIS

Samantala, ipinanawagan ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran na huwag nang isailalim sa quarantine ang fully vaccinated na returning overseas Filipinos.

Sa panayam ng SMNI News kay Rep. Taduran, dapat na maging considerate sa mga returning OFW para makasama na agad nila ang kanilang pamilya.

“Maging considerate tayo sa ating mga kababayan na pabalik dito para makasama ‘yung kanilang pamilya. Mga 2-3 weeks lang ‘yung kanilang bakasyon dito and then babalik kaagad ‘yan. So, ‘yung 7 days na ‘yan ay mahalaga sa kanila,” pahayag ni Taduran.

Samantala, pabor naman si Taduran sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipaaresto ang mga hindi magpapabakuna ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Taduran, andami nang nagbuwis ng buhay sa mga frontliner kung kaya’t seryosohin ang pagpapabakuna.

 

SMNI NEWS