PATULOY ang pagtaas ng Omicron cases sa Thailand.
Nagkaroon na ng collapse sa bookings ang mga hotel sa Thailand kasunod ng pagtaas ng bilang ng Omicron cases roon.
Nag-ulat ng humigit-kumulang 4,000 kaso ng COVID-19 ang Thailand kahapon.
Inihayag ni Sumaee Wacharasin, assistant spokeswoman ng center for COVID-19 situation administration na ang susunod na mga labing-apat na araw ay magdedetermina ng direksyon ng pandemya sa bansa.
Ang mga bagong kaso na may kaugnayan sa Omicron variant ay tumalon sa dalawang libo tatlundaan at tatlumput walo kung saan ang mutation ay na-detect na sa limamput lima ng pitumput pitong probinsya ng Thailand.
Samantala, ang mga negosyo sa sektor ng turismo ay nag-ulat na ng collapse sa bookings sa mga ito.
Ito ay dahil karamihan ng mga turista ay mas pinipili nang pumunta sa Vietnam, Bali at Maldives.
Ayon kay Ponsakorn Ketprapakorn, presidente ng tourism council ng Phangnga, aabot sa animnapung porsyento ng bookings ngayong buwan ng Enero ay nakansela na.