Omicron variant, hindi mild ayon kay Dr. Herbosa

Omicron variant, hindi mild ayon kay Dr. Herbosa

HINDI mild ang Omicron variant ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa sa panayam ng SMNI News.

Kasunod ito sa kumpirmadong pagkakatala na dalawa na ang namatay dahil sa naturang variant.

Ayon kay Herbosa, mas lalo nya pang hinihikayat ang mga hindi bakunado na magpabakuna na dahil makakatulong ito na mapalakas ang katawan.

Muli nyang binigyang-diin na hindi magiging severe ang kalagayan ng bakunado laban sa COVID-19 kung ikukumpara sa hindi bakunado.

Ipinaalala pa nito na may “Resbakuna sa Botika” na silang programa upang mas mapalawak at mailapit pa ang bakunahan sa publiko.

Follow SMNI NEWS on Twitter