Omicron XE ng COVID-19, pumasok na sa bansang Japan

Omicron XE ng COVID-19, pumasok na sa bansang Japan

INANUNSYO ng Health Ministry na sa unang pagkakataon ay na-detect ng Japan ang XE na “recombinant variant” ng Omicron strain ng coronavirus sa isang regular na pagsusuri sa isang airport.

Ang XE strain ay nakita sa pamamagitan ng genetic sequencing test na kinuha gamit ang mga sample mula sa babae sa National Institute of Infectious Diseases.

Ayon kay Hiroshi Nishiura, isang mathematical modeling expert sa Kyoto University, na dapat bantayan ng Japan ang XE at iba pang bagong variant.

Samantala, ang isang recombinant na variant ay nangyayari kapag ang isang indibidwal ay nahawahan ng dalawa o higit pang mga variant sa parehong oras, na nagreresulta sa paghahalo ng kanilang genetic na materyal sa loob ng katawan ng pasyente, ayon sa U.K. Health Security Agency.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga maagang pagtatantya batay sa limitadong paunang data ay nagmumungkahi na ang XE ay humigit-kumulang 1.1 beses na mas madaling naililipat kaysa sa BA.2.

Gayunpaman, idiniin ng WHO na ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng karagdagang kumpirmasyon.

Follow SMNI News on Twitter