POSIBLENG makapasok na sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa buwan ng Mayo kung hindi pa magpapa-booster shot ang karamihan sa mga Pilipino.
Ito ang inihayag ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin.
Aniya, bumababa ang immunity ng mga taong fully vaccinated kontra COVID-19 kaya puwedeng mahawaan ito ng mga variants ng COVID-19.
Ayon sa DOH, nasa mahigit 12 million individuals pa lamang ang nakapagpaturok ng booster mula sa mahigit 66 milyong Pilipino na fully vaccinated kontra COVID-19.
Sa ngayon, hindi pa nakikita ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at walang naitatalang kaso ng Omicron XE.