One-Stop OFW AKSYON Center, binuksan na sa Makati

One-Stop OFW AKSYON Center, binuksan na sa Makati

MATATAGPUAN ang bagong AKSYON Center sa Malugay Street, Brgy. Bel-Air, Makati City. Nag-aalok ito ng tulong sa mga OFW mula sa pag-alis nila ng bansa, hanggang sa kanilang pananatili sa ibang bansa, at hanggang sa kanilang pag-uwi at muling pagsasama sa kanilang mga pamilya.

Kabilang sa mga serbisyong inaalok ang Balik-Manggagawa processing, reintegration support services, legal assistance, at iba pang suporta sa pamamagitan ng DMW AKSYON Fund.

Pinagsasama-sama rin ng AKSYON Center ang mga serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Social Security System (SSS), PAG-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isa sa mga tampok ng bagong center ay ang Migrant’s Brew, isang cafe na nag-aalok ng libreng kape at meryenda sa mga bumibisita na OFW at kanilang mga pamilya. Ito na ang ikadalawampu’t tatlong Migrant’s Brew outlet sa buong bansa at ang ikalima sa Metro Manila. Mula nang ilunsad ito noong Nobyembre 2022, nakapagserbisyo na ito sa mahigit 600,000 OFWs.

Ang paggamit ng karagdagang espasyo sa dating Landbank Building para sa AKSYON Center, sa pamamagitan ng isang Usufruct Agreement, ay nagbibigay-daan sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa mga OFW. Ipinapakita nito ang pangako ng DMW sa pagbibigay ng mabilis at maayos na serbisyo sa mga OFW at kanilang mga pamilya.

 “Services are made available beginning from the departure from the country throughout their service deployment and all the way to their return and reintegration with their respective families and communities at home,” Hans Leo Cacdac, DMW said.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter