Sama-samang magtatanim ng mga puno ang libu-libong volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa Brgy. Mamuyao, Tanay, Rizal na bahagi ng Sierra Madre Mountain Range – ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
Bahagi ang nasabing aktibidad sa One Tree, One Nation initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Bago pa man matapos ang taong 2024, sunud-sunod na mga bagyo ang humagupit sa Pilipinas.
Nakapagtala na ng milyun-milyong pisong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture (DA) dahil sa pananabog ng Habagat at Bagyong Carina.
Umabot na sa 145 ang mga naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.
Samantala umabot sa higit 800 barangay sa Northern Luzon ang lubhang naapektuhan ng pinagsamang Bagyong Nika at Ofel.
Ang mga probinsiya at mga lungsod sa Luzon ay lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo kung saan karamihan sa mga lugar ay nakaranas ng pagbaha na lagpas tao o kalimitan ay lagpas na sa bubong ng mga bahay.
At sa gitna ng paghagupit ng sunud-sunod na mga bagyo, dumagundong ang iba’t ibang panawagan sa social media.
Iyan ay ang pangalagaan ang isang bulubundukin na sa mahabang panahon ay nagsisilbing protektor ng mga taga-Luzon laban sa mga bagyo, ang Sierra Madre.
Ito ang pinakamahabang mountain range sa buong Pilipinas na may habang humigit-kumulang 540 kilometers.
Sa haba nito 10 probinsiya ang sakop ng Sierra Madre mula Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Aurora, Bulacan, Rizal, Laguna, at Quezon.
Ang nasabing bulubundukin ay nagsisilbing ‘backbone’ ng Luzon o isang natural na harang laban sa mga bagyong nabubuo sa Pacific Ocean.
Pero paano ba napoprotektahan ng Sierra Madre ang mga taga-Luzon laban sa mga bagyo?
“We have to consider not only the mountains but the forests inside those mountains.”
“In the way the mountains can deflect, can reduce the velocity but actually it’s the forests.”
“The forests ‘yung surface niya porous siya. It allows the penetration of the wind into the forest cover. Once it penetrates, it reduces the energy.”
“The forests, it absorbs the energy of the typhoon that’s why it reduces it,” pahayag ni Dr. Peter Suson, Director, MSU-ITT Center for Resiliency.
Pero sa mga nagdaang panahon, malawakan ang deforestation sa lugar sa Sierra Madre dahil sa iba’t ibang aktibidad tulad ng ilegal na pagtotroso, pagmimina, at kaingin.
Ang mga aktibidad na ito ay nagdudulot ng malubhang pagkasira sa kagubatan.
Sabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mahigit 160,000 ektarya na forest cover ng Sierra Madre ang nawala na mula 1998 hanggang 2010.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkakalbo ng mga bundok ang nagiging dahilan ng mga pagbaha at landslide.
“If the storm hits the mountain without the trees, without the forest you would expect turbulence. When you have turbulence that would have intensified the wind. And it will cause landslide. It will cause flooding,” ayon pa kay Dr. Suson.
Dahil dito, naging malinaw ang agarang pangangailangan ng pangmatagalang solusyon upang mapangalagaan ang Sierra Madre.
Ayon kay Climate Change Commission Executive Director Robert Borje na sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga kagubatan at ecosystem ng Sierra Madre, hindi lamang napoprotektahan ang biodiversity nito, kundi nasisiguro din ang kabuhayan ng milyun-milyong tao na umaasa sa bulubundukin bilang pananggalang laban sa mga sakunang dulot ng climate change.
“By maintaining its forests and ecosystems, we not only protect biodiversity but also secure the livelihood of millions of people who rely on the Sierra Madre for protection from climate-induced disasters,” saad ni Robert E.A. Borje, Executive Director, Climate Change Commission.
At hindi nag-iisa ang mga taga-Luzon sa kanilang hangarin para sa isang matatag na Sierra Madre.
Kasama nila ang spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy na kilala rin na isang environmentalist.
Ngayong Sabado nga ay libu-libong volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang tulung-tulong na magtatanim ng mga puno sa paanan ng Sierra Madre sa Brgy. Mamuyao, Tanay, Rizal, bilang pakikiisa sa One Tree, One Nation initiative ni Pastor Apollo.
#OneTreeOneNation
#SaveSierraMadre
#PastorApolloParaSaKalikasan