BAGONG Taon, Bagong Pag-asa! Pag-asa para sa coastal residents sa Barangay Sobol, Baybay East, San Fabian, Pangasinan mula sa mga mangrove seedlings na itatanim sa lugar.
Magsisilbing tahanan ang mga ito ng mga isda, seguridad at proteksiyon na rin ng komunidad laban sa tumitinding mga kalamidad at sakuna na nagdudulot ng matinding pabah at mga pagguho ng lupa.
Muling dinala ng ”One Tree, One Nation” na initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang adbokasiya nito sa lalawigan ng Pangasinan sa hangaring mapanatili ang ganda at sigla ng Inang Kalikasan.