One Tree One Nation ni Pastor Apollo C. Quiboloy, umarangkada sa Isabela

One Tree One Nation ni Pastor Apollo C. Quiboloy, umarangkada sa Isabela

UMARANGKADA sa lalawigan ng Isabela ang ginawang massive nationwide tree planting activity na inisyatiba ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon sa ilang volunteers, dapat tuluran ang magandang gawain ni Pastor Apollo lalo na ang mga tumatakbong kandidato.

Ang pagbabago ng klima o climate change ay isang kritikal na isyu na kinakaharap hindi lang ng mga Pilipino kundi maging sa buong mundo.

Dahil sa climate change, mas malalakas na bagyo na ngayon ang bumabayo dito sa Pilipinas.

Kamakailan lang, sunud-sunod na sama ng panahon ang dumaan sa bansa na lubhang nagpahirap sa mga residente lalo na sa Northern Luzon.

Matindi rin ang naidulot na pinsala ng mga nagdaang bagyo sa imprastraktura at sa agrikultura.

Hindi mabilang ang mga natumbang punong kahoy ang iniwan ng sunod-sunod na bagyo na dumaan sa lalawigan ng Isabela, kaya naman upang mapalitan ang mga nasirang punong kahoy at upang makatulong sa kalikasan, libu-libong seedlings ng narra at mahogany tree ang itinanim ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasama ang mga volunteer.

Daan-daang volunteers ang nakiisa sa ginawang nationwide tree planting activity na pinangunahan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ginanap sa Camp Viscara, Brgy Aguinaldo, Ramon Isabela.

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ni Pastor Apollo na may temang “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity na dinaluhan ng mga representante ng mga sundalo mula sa 5th Infantry Division, 1st Calvary Company, Armor Division ng Philippine Army, Lokal na Pamahalaan ng Ramon, Philippine National Anti-Crime Group, at marami pang iba.

Ayon kay Bobby Tormis, KOJC Minister sa Region 2, ang pagtatanim ng puno sa pamamagitan ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ay matagal nang ginagawa ni Pastor Apollo.

Aniya, patunay rito ang Glory Mountain sa Upper 6 Brgy. Tamayong Calinan Davao City na dati ay kalbong kabundukan ngayon ay hindi na makilala sa sobrang ganda at dami ng pine trees na nakapalibot rito.

“Ngayon isa ito sa mga programa ni Pastor which is year 2005 pa ito na inumpisahan ni Pastor ang Sonshine Philippines Movement kasama na ang Kingdom of Jesus Chris na mga volunteers at mga members.”

“Masasabi natin na ito ay hindi lang pakitang tao sapagkat si Pastor ay may Exhibit A na kung titignan ninyo ang Glory Mountain pero dati ‘yan ay Purok 6 Barangay Tamayong, ‘yan po ay talagang deluded area, kalbo na po ‘yan pero noong inumpisahan ng ating Butihing Pastor na magtanim ng maraming puno kaya ngayon kung makikita ninyo gaano man kalakas ang ulan hindi na po makikita ang baha o landslide dahil marami na pong puno na naitanim ng ating Butihing Pastor,” ayon kay Boby Tormis, KOJC Minister, Region 2.

Para naman kay Private 1st Class Rossmir Ramos ng Public Affairs NCO, sa ilalim ng 86th Infantry Battalion ng 5th ID, Philippine Army ang inisyatibang ito ni Pastor Apollo ay napaka-importante at napapanahon lalo pa’t sunud-sunod na bagyo ang humagupit sa probinsiya ng Isabela.

“Itong inisyatibo na ito ay talagang napaka-importante sapagkat napupunuan natin ‘yung mga kulang na kapunuan dito sa ating bansa lalo na dito sa lugar natin, maalala natin na kakatapos lang nitong bagyo talagang maraming nasirang puno so itong pagtatanim ng puno nato talagang napakalaking tulong para sa atin,” ani PFC. Rossmir Ramos, Public Affairs, NCO, 86thib, 5thid, PA.

Ayon naman kay Arman Alaska, National President ng Philippine National Anti-Crime Group, malaki ang kaniyang pasasalamat kay Pastor Apollo dahil sa inisyatiba nito na magtanim ng puno sa nakakalbong bundok.

“Gusto kong pasalamatan ‘yong may inisyatibo nitong SPM si Apo Pastor Apollo C, Quiboloy, malaking tulong ito sa pagbabago ng climate change dahil ito nakakatulong sa kalikasan natin lalong-lalo na sa ibang sakuna gaya ng landslide o pagguho ng mga lupa na naubos kaya nagtatanim tayo para ma-preserve ang kabundukan natin,” wika ni Arman Alaska, National President, Philippine National Anti-Crime Group.

Para naman sa dating konsehal ng Santiago City na si Vinchy Agabao na bumiyahe pa mula Santiago para lang makiisa sa nationwide tree planting activity na derektiba ni Pastor Apollo, malaking tulong aniya ang pagtatanim ng puno dahil sa nararanasan na climate change.

“Well in the first place were very blessed na because of the initiative of Pastor Apollo Carreon Quiboloy, meron po tayong activity na pinagsasamahan ngayong umaga  ang Cagayan Valley in Region 2, we are surrounded by 3 mountains ranges the Caraballo, the Cordillera and the Sierra Madre however nang dahil po sa lakas ng bagyo at siempre because of climate change naiba na rin po ang dynamics ng aming lugar kaya napakalaking tulong po at isang paalala na ang pagtatanim ng puno ay investment hindi lamang po sa ngayon kondi sa mga susunod pang henerasyon so napakaganda po ang mga ganitong klaseng programa,” ayon kay Vinchy Agabao, Former councilor, Santiago City.

Adbokasiya ni Pastor ACQ dapat tularan—netizens

Ang pagtatanim ng puno ay isang gawain na may malaking kahalagahan sa ating kapaligiran at kalikasan.

Ito ay isang simpleng paraan ng pagbabayanihan at pagtulong sa ating mundo kaya naman sina Bobby, Rossmir, Arman, at Vinchy ay suportado ang ginagawang adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Dapat anila ito tularan lalo na sa mga politiko o grupo na may kakayahan.

“Dapat talagang tularan ng ating mga politician, ng ating mga local government unit kahit sa national government dapat tularan itong adbokasiya ng ating Butihing Pastor kasi kung makikita po natin ngayon sunud-sunod po ang bagyo,” dagdag ni Tormis.

“Ay talaga dapat lang na tularan ito ng hindi lang ang Sonshine Philippines Movement sa pamumuno ni Pastor Apollo Quiboloy, kundi pari rin ‘yong pribado at pati rin ‘yong mga sektor nang sa ganun ay makatulong sa ating kalikasan,” ayon kay PFC. Rossmir Ramos, Public Affairs, NCO, 86thIB, 5thID, PA.

“Of course, talagang kailangan tularan nila ang inisyatiba ni Pastor Quiboloy, ni Apo Pastor kasi unang-una mga iba diyan may mga kaya dapat kaya din nilang i-finance kagaya ng kay Pastor Quiboloy dito sa ginagawa natin na pagtatanim ng puno ngayon,” dagdag ni Alaska.

Adbokasiya ni Pastor ACQ dapat tularan—netizens

Samantala, dagdag pa ni Agabao ang ginawang inisyatiba ni Pastor Apollo na nagtanim ng libu-libong puno nang sabay-sabay sa buong Pilipinas kahit na nasa kostodiya ng batas ay nagsilbing hamon para sa mga politiko na nagnanais na mailuklok sa gobyerno.

“Yes isang hamon din po ito sa lahat ng mga tumatakbo mula po sa lokal na posisyon hanggang sa pang national sapagkat ang atin pong bansa ay nangangailangan ng maraming puno dahil expressway po tayo ng bagyo at tanging mga puno lang po ang sumasalba sa atin isipin nyo na lang po ang bawat puno na ating itinatanim ay para pong lungs ng environment po natin kaya po magandang adbokasiya po ito sa lahat ng tumatakbo mula sa lokal na posisyon hanggang sa national na magkakaron po tayo ng pagkakaisa na gaya ng One Tree One Nation na programa headed bay Pastor Quiboloy na magtanim po tayo ng maraming puno,” ani Agabao.

Sa huli, malaki naman ang pasasalamat ni Bro. Bobby Tormis sa Butihing Pastor dahil sa patuloy na gabay, hindi man siya nakasama nang pisikal ay nananatili sa puso’t isipan ng bawat KOJC members at volunteers ang mga turol at aral ni Pastor Apollo at isa na nga rito ang mahalin ang inang kalikasan.

“Tayo po ay nagpapasalamat sa ating Butihing Pastor, Pastor Apollo C, Quiboloy dahil isa po ito sa mga inisyatiba nya na magkaroon po tayo ng tree planting at napakahalaga po ng tree planting nakita nyo naman na andami pong puno na nabuwal dahil nga sa climate change,” ani Tormis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble