Online application para sa Makatizen card, magsisimula sa March 20

Online application para sa Makatizen card, magsisimula sa March 20

INANUNSIYO ng lungsod ng Makati na maaari nang online ang application ng kanilang Makatizen card na magsisimula ngayong March 20, 2023.

Ayon kay Mayor Abby Binay, na mapapabilis ng panibagong online registration system ang pagproseso ng aplikasyon ng Makatizen card.

Kaugnay nito, magkakaroon muna ng pansamantalang suspensiyon ang pagtanggap ng Makatizen card application simula ngayon araw, March 15 hanggang 17, 2023 upang bigyang-daan ang kanilang system update.

Paalala pa rin ng lungsod na siguraduhin kumpleto ang kanilang requirements upang mas mapadali ang pagkuha ng Makatizen ID.
Sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang kanilang official social media accounts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter