Online classes, ipatutupad ng ilang LGUs at paaralan dahil sa isasagawang transport hike

Online classes, ipatutupad ng ilang LGUs at paaralan dahil sa isasagawang transport hike

IPATUTUPAD ng ilang paaralan ang online classes ngayong magsasagawa ng transport hike ang grupong PISTON.

Ang mga ito ay ang University of the Philippines-Diliman; Ateneo de Manila University; De la Salle University; University of Santo Tomas; Far Eastern University; Adamson University; at Arellano University.

Maging ang Mapua Malayan Colleges-Laguna; Mapua University; Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; at Polytechnic University of the Philippines.

Ang mga local government unit (LGU) na magpapatupad naman ng online classes sa kanilang mga nasasakupang paaralan ay ang Pampanga; Binan, Laguna; at Santa Rosa, Laguna.

Magsisimula ang transport hike ngayong araw, Nobyembre 20 – Nobyembre 22, 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter