Online inquiry, inilungsad para sa guidelines ng ipinatupad na community quarantine

NAGLUNGSAD ng online inquiry ang Department of Health para mangalap ng katanungan ng publiko kaugnay ng ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila.

Layon nito na makuha ang common questions ng publiko upang mabigyang kasagutan at linawin ang guidelines ng ipatutupad na community quarantine.

Tatanggap ng katanungan ang DOH sa pamamagitan ng link na makikita sa kanilang official website.

Sa naturang link ay mayroong espasyo para sa dalawang katanungan at komento kaugnay ng hakbang.

Ang crowdsourcing ng mga katanungan ay gagamitin ng mga bubuo ng detailed guidelines bilang basehan kung paano mas maiintindihan ng publiko ang isasagawang community quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.