UPANG masolusyunan ang lumalalang problema sa fake booking sa mga delivery apps ay hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang online payment.
Dagdag pa ni Lopez na kinakailangan na rin i-register ang mga SIM Cards upang madali lang i-trace ang mga gumagawa ng fake booking.
Magugunita na isinulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang batas para sa mandatory registration ng mga gumagamit ng prepaid SIMs.
Katuwiran ni Gatchalian, ito ay para agad matunton ang mga gumagawa ng krimen at iligal na aktibidad gamit ang SIM card.
Maging ang senador ay biktima ng panloloko nang nagamit ang kanyang credit card sa P1 milyon sa online food delivery nang makuha ang kanyang One-Time Password gamit lang ang prepaid phone.
(BASAHIN: Credit card ni Senador Sherwin Gatchalian, na-hack)
Muli namang nagpaalala ang DTI sa publiko na iwasan na ang mga panloloko sa mga delivery drivers lalo na sa panahon ngayon na pahirapan ang kumita.