HUWAG nang ibalik ang online sabong para matugunan ang mawawalang kita ng bansa dahil sa pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa pahayag ni Sen. Joel Villanueva, mas malala ang online sabong kumpara sa POGO dahil target nito ang lahat na mga Pilipino.
Bagamat kinakailangan ang pagkakaroon ng kita para sa bansa, para kay Villanueva, mas mainam kung mula ito sa lehitimo, at “sustainable” sources.
Mayo 2022 nang ipagbawal na ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang online sabong kasunod ng pagkawala ng 30 sabungero.
Pormal ding ipinagbawal ni Marcos Jr. ang online sabong noong Disyembre 2022.