Onyok Velasco, inulan ng pagpapala matapos bigyan ng P500-K incentive ni Pangulong Duterte

Onyok Velasco, inulan ng pagpapala matapos bigyan ng P500-K incentive ni Pangulong Duterte

INULAN na ng pagpapala si 1996 Atlanta Olympics boxing silver medalist Onyok Velasco.

Ito’y matapos makatanggap ng P500,000 mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Filipino boxer.

Ayon sa ilang source, maliban sa ibinigay ni Pangulong Duterte, makakakuha rin umano si Onyok ng lechon manok store mula sa isang pribadong sektor.

Dagdag dito ang P100,000 para sa isang Boracay honeymoon kasama ang kanyang pamilya.

Marami pa din ang nakatakdang magbigay ng pabuya kay Velasco.

Matatandaang noong nanalo si Velasco noong 1996, pinangakuhan ang boksingero ng mahigit kumulang dalawang milyong piso ngunit walang nakarating sa Olympian hanggang ngayon.

Ang nasabing isyu ay sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Una nang inapela ni Senator Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito sa nangyari kay Velasco bago manalo ng gold medal si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz.

Pinagbigyan ni Pangulong Duterte ang nasabing apela kung kaya’t kamakailan lang ay nakatanggap na ng P500, 000 pesos si Velasco.

SMNI NEWS