NANAWAGAN ang grupo ng mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Kamara de Representantes na buksan ng mga ito ang kanilang libro.
Sa isang mini-rally sa harap ng Quezon City Prosecutors Office, nanawagan ang grupo na ipakita ng Kamara kung paano nila ginastos ang pera ng taumbayan.
Aniya, dapat ilabas kung saan ginamit ang P2-B na travel expenses ng Kamara lalo na’t ‘nabuko’ umano sa hearing ng SMNI Franchise na mahigit sa P39-M lamang ang naggastos ng Mababang Kapulungan sa travel.
Diin ng grupo, karapatan ng taumbayan na malaman kung saan ginagastos ang pera at dapat ilabas idetalye ng Kamara ang pinaggastusan.
Nasa Quezon City Hall ngayon ang Duterte supporters bilang ‘show-off’ sa mga makakaliwa sa nakatakdang filing of reply ng kampo ng dating Presidente sa kasong isinampa ng makakaliwang kongresista na si France Castro.